Bakit tayo bumababa at sumasakay, nagbababa at nagsasakay sa mga no loading and unloading area? Bakit tayo tumatawid sa ilalim ng overpass kahit may malaking babala na nagsasabing may namatay na rito? Bakit tayo nagtatapon ng basura kahit may paalala na bawal magtapon ng basura rito? At mas lalong bakit tayo umiihi kahit may nakasulat ng 'Ang umihi, putol t*t*'?
Sadya nga bang matigas ang ulo nating mga Pilipino? O trip lang natin na kalabanin ang mga batas ng lipunan para matawag na ASTIG?
Pero teka, 'astig' nga bang maituturing ang mga taong pilit na pinatutunayan sa sariling masarap gawin ang bawal? Nakakabilib ba ang lakas ng loob natin sa pagsuway sa mga payak na alintuntunin na madali lang namang gawin? Marahil nararapat lamang na tawagin tayong mangmang.
Mahirap ba talagang maglakad ng ilang minuto para sumakay at bumaba sa mga tamang sakayan at babaan? Nakakapagod ba talagang umakyat sa overpass para tumawid kaya nakikipagpatintero na lamang tayo sa mga mabibilis na sasakyan? Nakakatamad bang ilagay sa bulsa o hawakan muna ang kalat hanggang sa may mahanap na basurahan? At nakakamangha bang makakita ng asong umiihi sa mga pampublikong pader kaya dapat gayahin rin ng tao?
Kung ang mga simpleng ordinansang tulad ng mga nabanggit ay hindi natin kayang sundin, paano pa kaya ang mga nakapaloob sa ating Saligang Batas? Tapos tanong tayo ng tanong kung bakit walang kaayusan at katahimikan sa ating bansa.
Hindi lang ba natin nauunawaan na ang mga kautusang ito ay ginawa hindi para pahirapan at pagurin tayo kundi para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa sa atin? O baka naman tamad lang talaga tayo kaya hilig nating maghanap ng shortcut?
Ilang beses na ba tayong na-late dahil sa mabagal na daloy ng trapiko? Ilang beses na ba tayong nakasaksi ng nasagasaan dahil tumawid sa maling lugar? Ilang beses na bang nagbaha na kumitil sa buhay ng daan-daan nating kababayan dahil sa mga baradong estero at kanal? Ilang beses na ba nating pinigilan ang paghinga pansamantala para maiwasang malanghap ang di kanais-nais na simoy ng hangin?
Pero paano nga ba tayo susunod kung kulang tayo sa mga matitinong opisyal na magpapatupad sana ng mga batas na ito? Mga lider na sila mismo ang pasimunong lumabag ngunit hindi naparurusahan.
Hanggang kailan ba natin idadahilan na hindi naman lahat ng Pilipino ay tamad, walang disiplina at respeto para sa bayan? Oo nga't may mangilan-ngilan pa rin namang masisikap na may malasakit at pagmamahal sa bansa. Pero ano ang ginagawa ng nakararami? Sa siyam na pung milyong Pilipino, ilan na lamang ba ang nagtatiyagang tahakin ang matuwid na daan?
Nagmamahal,
Ariane
Thursday, 1 March 2012
Thursday, 16 February 2012
Asawa Nga Naagaw E! Boyfriend/Girlfriend Pa Kaya?
‘Yan ang palaging katwiran ng mga di padadaig na mangingibig ng mga taong may karelasyon na pero sadyang habulin.
E kung pinggan nga nababasag, mukha mo pa kaya?
Paano ka ba magmahal? Ikaw ba yung tanga? Yung kahit na alam mong niloloko ka na, go pa rin? Yung kapag nahuli mong nakikipaghalikan syota mo at sinabi niyang hinimatay lang dahil nagkulang sa oxygen kaya ni-resuscitate niya, maniniwala ka pa rin?
O ikaw yung nakaw-tingin lang? Masyadong torpe o pakipot, takot mareject. At sa bandang huli palaging nagsisisi? Pa’no kasi may gusto rin naman pala sa’yo yung tao, pero huli na ang lahat para sa inyong dalawa.
O baka naman ikaw yung gagawin lahat makuha lang yung taong gusto mo? Kahit na alam mong may masasaktan at maaagawan ka?
Wala namang tama o mali sa pagmamahal. Bawat tao, may kanya-kanyang paraan. Nagiging mali lamang ito kapag gumawa ka na ng paraan para masira ang pagsasama ng iba.
Sa Isang Radio Station:
Background song playing: ”Kay rami ng winasak na tahanan. Kay ‘rami ng matang pinaluha. O tukso, layuan mo ako…”
“Hello Dr. Love, nag-away po kami ng pamilya ko. Nalaman kasi nilang may asawa’t anak na yung boyfriend ko. Ano bang dapat kong gawin? Mahal na mahal ko po kasi.”
Tinatanong pa ba ‘yun? Edi hiwalayan niya. ‘Langya. Kahit pagbali-baliktarin pa ang pangyayari, mali e. Maling-mali. Una palang alam niyang may sabit na yung tao, pumatol pa rin. Kaya dumarami ang mga kasal na napapawalang bisa e. Mga tahanan na nasisira. At kung sa kalagitnaan na ng relasyon niya nalaman yung tunay na pagkatao nung lalaki, tanga talaga siya. Pa’no nangyaring mahal na mahal niya na yung taong di pa naman pala niya lubusang kilala ang pagkatao?
Ang isa pang nakakapang-init-ulo ay kung sino pa yung agaw-eksena, sila pa yung kadalasang mas matapang kesa dun sa mga ‘legal’ o mas nauna. Sabagay, nakakapagtaka pa ba yun? E ang pagiging kabit ay nangangailan naman talaga ng lakas ng loob at kapal ng mukha.
Bakit nga ba andaming nahihilig ngayon sa pinagbabawal na pag-ibig? Dahil ang manok mas madaling mahuli kapag nakatali? O dahil maraming naniniwala na lahat ng bawal, masarap?
Madali man at masarap, kasalanan pa rin. Hindi ba’t kasama sa Sampung Utos ng Diyos na h’wag makiapid? Walang ‘pero’ at ‘paano kung’. Kahit pa ba sabihin mong di pa kasal o wala pang anak. Walang exception. Basta bawal kumuha ng hindi iyo. Kaya kahit ano pang paliwanag, hindi pa rin tanggap sa lipunan ang ganitong uri ng relasyon. Lalo na sa mga Pilipino.
Kung isa ka sa mga galit na galit ngayon na gustong magreport sa admin para ma-block ang blog na ‘to at sasabihin mong wala akong alam kung gaano kahirap kumawala sa ganitong uri ng relasyon, oo, tama ka. Tamang wala akong alam dahil di ko kailanman pinangarap pumasok sa magulo at masalimuot na sitwasyon mo. At tama ka rin na mahirap kumawala. Sino bang nagsabing hindi? Pero kailangan mong gawin. Nabuhay ka naman nung wala pa siya, bakit hindi ngayon?
Lahat tayo ayaw maloko. Lalo na kung ang dahilan ay ibang tao at alam natin na mas may karapatan naman tayo. Kaya wag ka namang maging makasarili. Isipin mo na lang kung paano kaya kung sa inyo naman ng mahal mo yung may makisawsaw? Isa pa, kung yung nauna nga sa’yo nagawang lokohin ng salawahan mong karelasyon, pa’no ka nakakasigurong hindi niya gagawin yun kapag may dumating na namang bago?
Hindi ka talo kung tatalikod ka lalo na kung mahal na mahal mo na talaga. Panalo ka hindi lamang sa mata ng ibang tao, kundi sa Diyos na rin mismo. May inilaan na Siya para sa iyo. Maaaring nakilala mo na o makikilala pa lamang. Wag kang mang-agaw ng nakalaan na sa iba para mapadali ang paghahanap. May tamang panahon at tamang tao para sa’yo.

Tuesday, 7 February 2012
Inlababo vs. Ampalaya
Inlababo. Ito ang kadalasang tukso sa’yo kapag bigla-bigla ka na lamang natatahimik at natutulala, kasabay pa ng pangiti-ngiting tila kinikilig. Nagsimula na ring maging cheesy ang mga litanya at status sa mga social network accounts mo.
Pa’no nga ba masasabi na inlab ka?
‘Pag masaya ka? Kapag blooming? Kapag di mo na mabitawan yung cellfone mo kakatitig sa wallpaper mo at kakahintay ng text niya? Kapag may ka-”i love you”-han ka? Kapag hindi one-sided love ang nararamdaman mo?
Eh kapag nag-aantay ka na mahalin ng gusto mo? Kapag umaasa ka na babalik pa rin yung nang-iwan sa’yo? Inlab ka pa rin ba ‘nun?
Paano naman kapag puro kasawian at kapaitan na ang pinapairal mo? Kapag nagsimula nang bansagan kang ampalaya? Kapag ba bitter ka, automatic, out of love na agad?
“Pwede mo kong lokohin pero wag kang magpapahuli sakin. Pwede mo kong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sakin. Pwede mo kong iwan pero siguraduhin mong kaya mo. Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.Kasi ‘pag ako sobrang nasaktan, wala ka ng babalikan”
“Naks. Inlababo”
“Inlab ba yan? Di nga e. Niloko lang ako. ”
“Ay, ampalaya. Haha”
Hindi ba kasama sa pagiging in love ang masaktan? Kailangan ba laging masaya?
Kapag ba broken hearted ka dahil iniwan ka ng syota mo, o nalaman mong may syota na yung gusto mo o di pala ikaw yung gusto niya, o di ka sinagot ng nililigawan mo, hindi ka na in love?
Kahit pa ilang beses kang sumigaw na “di na kita mahal” at “nakapag-move-on na ko”, di mo makakaila sa sarili mo na ang gusto mo talagang sabihin ay “sana ako nalang, sana ikaw pa rin, sana tayo nalang ulit”. Gamitin mo man lahat ng defense mechanisms na alam mo, masakit pa rin.
Kaya ka nga nasasaktan e. Kasi nagmamahal ka.
Malalaman mo lang na ‘di ka na nagmamahal kapag totoong wala na yung sakit. Pero wala na rin yung saya. Di mo na namimiss si past. Pero wala pa naman si present. Di mo rin sigurado kung darating pa ba si future.
Wala ka ng nararamdaman. As in, empty. Wala e. Wala na talaga.

Wednesday, 1 February 2012
Bob Ong Kowts: Ika-Siyam na Libro
Ito ay mga kowtable kowts mula sa ika-siyam na libro ni Bob Ong, ang Lumayo Ka Nga Sa Akin na nahahati sa tatlo:
Bala sa bala. Kamao sa Kamao. Satsat sa satsat.
Nagmamahal,
Ariane
Bala sa bala. Kamao sa Kamao. Satsat sa satsat.
- Kung alam ko lang na pwersado rin akong magtatrabaho nang ganito, nagsikap na lang sana ako sa eskwelahan nung bata ako. Parehas lang naman palang nakakapagod. At least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.
- Ang mahilig lang magsabi ng korni e yung mga taong pa-deep. Kung gusto mong matawa, dapat paminsan-minsan magpakababaw ka rin. Wag nga lang sosobra.
- Cool factor. Para maging "in" ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.
- Hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may diperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.
- Ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka kapag kausap mo yung makikita mong naging mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng libro.
- Balang araw, may magmamalasakit rin sa henerasyon niyo. Balang araw magbabago rin ang lahat. Balang araw.
- Mahirap ang walang alam sa mga importanteng nangyayari sa mundo.
- Ang TV parang drugs pero ligal.
- Tatlo ang mga magulang ng henerasyon natin. Ang tatay, nanay at ang mga patalastas o media. Kaya kung mahina yung dalawang nauna, naagawan sila ng ikatlo sa pagpapalaki ng bata.
- Sa buong araw ng pagbababad mo sa TV, abot anim na oras ang malulustay mo sa panonood lang ng mga patalastas. In essense ito ay patalastas na siningitan ng mahahabang palabas sa pagitan.
- Makakausap niyo ang mundo. Maipapaalam niyo sa mga kinauukulan ang mga opinyon at saloobin niyo. Makukuha na ninyo ang atensyon ng abalang lipunan. Pakikinggan at papansinin na kayo ng mga tao. Ang buong mundo ay magiging personal niyong entablado.
- Bayani pa rin ba si Rizal kung walang nagbasa ng Noli Me Tangere? Panitikan pa rin ba ang mga papel na may sukat kung walang mga taong magbabasa nito?
- Walang isang manunulat ang sasapat sa pangagailangan ng lipunan.
- Hindi ba tama na sa halip na maliitin ang kabataan dahik sa binabasa nilang manunulat ay purihin sila sa pagbabasa at saka samantalahin ang pagkakataon para hikayatin sila ay ipakilala sa iba pang makabuluhang libro?
- May lisensya rin naman ang pagiging driver diba, at hawak rin ang buhay ng mga tao?
- Magloloko ang teenager, bubuo ng pamilya, pero hindi aalis sa poder ng magulang hanggang magkaapo.
- Pinapatay ng komersyalismo ang sining na siya ring dapat bumubuhay sa mga negosyante at ordinaryong tao sa industriya natin.
- Mapapailing ang mga mababasa sa buong kuwentong kanilang nasaksihan, pero wala silang gagawin o babaguhin.
Nagmamahal,
Ariane
Bob Ong Kowts: Ika-Walong Libro
Ito ay mga kowtable kowts mula sa ika-walong libro ni Bob Ong, ang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.
Nagmamahal,
Ariane
- No reaction. Magtatampo ba 'ko sa kanya, magagalit o none of the above dahil ako na lang naman yata ang umaasa at matagal na 'kong wala sa mundo para sa kanya?
- Madalas sinasabi ko na walang panahon para malungkot pero ang totoo nagsusumigaw ako sa lahat ng tao para tulungan akong malalimot sa sakit na nararamdaman ko.
- Hindi naman kailangang 'paranormal' ang demonyo. Yung mga kriminal na nababalita sa dyaryo, mga demonyo na 'yon. Yung mga masasamang ginagawa ng mga tao, yun ang demonyo, at hindi yung mga paramdam ng espiritu na pagdedebatehan pa kung totoo.
- Ang kapangyarihan ng tao as creator (sa procreation) ay nababalewala at nasasalaula na lang sa makasariling kasiyahan.
- Maganda talaga sa probinsya, ambabait ng mga tao. Sobrang generous. Samantalang sila ang mga walang pera, pero buhay na buhay ang bayanihan.
- Hindi mo kailangan dito ng alarm clock. Tumitilaok ang manok sa umaga, humahalik ang mga butiki sa lupa pag gabi. Hindi mo kailangan ng mga numero para malaman ang oras.
- Walang tigil ang tao sa paggamit ng enerhiya. Lahat ng maaaring pagkagastusan ng kuryente, gagawin nila. Nabubuhay sila sa sistema ng pag-aani ng mga kayamanan ng mundo upang gawing lason at basura.
- Hangal ang tao dahil sa pag-iisip na siya ang hari ng santinakpan, sa pag-aakalang magagawa nyang makibagay sa kanya ang sanlibutan sa halip na sya ang makibagay dito.
- Mga tao mismo ang.pumapatay sa sarili nila sa uri ng pinili nilang pang-araw-araw na pamumuhay.
- Liwanag ng buwan, ilaw ng mga alitaptap, tunog ng mga kuliglig, tapos sariwang hangin, murang pagkain, simpleng buhay...sarap tumira sa probinsya.
- Hindi kami gumagamit ng teknolohiya; hindi kami nagagamit ng teknolohiya. Oo nga't napapadali nito ang buahy. Pero hindi kami nagmamadali.
- Hindi namin kailangan ang kayamanan dahil magiging katapusan lang ito ng pangangailangan namin sa isa't-isa. Wala sa aming nabubuhay para sa sarili lamang.
- Kung naniniwala ka sa sinabi ko sapagkay natatakot ka, isa kang mangmang. Kung hindi ka naniniwala sapagkat hindi ka natatakot, higit ka sa mangmang - wala kang kaligtasan.
- Ayoko ng mag-isip. Pagod na 'kong sisihin ang sarili ko. Sawa na 'kong manghinayang.
Nagmamahal,
Ariane
Subscribe to:
Posts (Atom)