Sunday 16 November 2008

Kaibigan o Ka-ibigan?

Meron ka bang kaibigan? Kaibigan na masaya ka kapag nandiyan. Madalas mong katext, kachat, kausap, karamay at kasama. Halos di kayo mapaghiwalay. Tipong parang kayo na pero hindi naman. Maski nga iba niyong kaibigan wala nang ibang masabi kundi bagay kayo.

Gayunpaman, di mo naman hinahangad na maging kayo. Pero sa tuwing mag-isa ka, di mo mapigilang isipin siya at mangarap kung paano mabuhay ng kasama siya, na pagmamay-ari mo na siya.  Ayaw mo namang magtapat kasi baka layuan ka niya. At kahit na alam mong masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo yang kahibangan mo, di mo naman mapigilan yung sarili mo na mahalin pa siya lalo, ng bonggang bongga.

At isang araw naisip mo nalang na baka mahal ka din niya. Kasi simula nang maging magkaibigan kayo, wala pa siyang nagiging kasintahan, wala ka rin naman siyang nababanggit na ibang taong mahal niya. Ang alam mo lang, parehas kayo ng mga hilig at ayaw niyang nakikita kang malungkot at umiiyak. Di mo namalayang pinaniwala mo na pala ang sarili mo na pareho kayo ng nararamdaman para sa isa't isa.

Ngunit isang araw, bigla na lang nalaman mo, iba pala nagpapatibok ng puso niya. At unti-unti, naramdaman mong hindi na siya tulad ng dati.

Ang sakit diba? Gusto mo siyang kausapin, itanong kung bakit niya ginawa yun sa’yo at piliting ikaw na lang ang mahalin niya. Hindi pa ba siya kuntento sa pagmamahal na binibigay mo? Matapos ng lahat, mauuwi rin lang pala sa wala. Gusto mo siyang sumbatan sa lahat ng ito pero wala kang ibang magawa kundi itago sa kaniya yung nararamdaman mo at umiyak mag-isa dahil nagmahal ka ng taong kaibigan lang ang tingin sa'yo.

Bakit? Sino nga ba kasing may sabi sa’yong umasa ka? Di naman niya hiniling na mahalin mo siya diba? Pero ginusto mo. Ipinakita nga ba niya sa’yong mahalaga ka sa kaniya o binigyan mo lang ng malisya ang pagiging mabait at malapit niya sa’yo? O sabihin man nating mahalaga ka sa kaniya, pero teka, nakalimutan mo atang iba ang ibig sabihin ng mahalaga sa mahal.

Sa kabila ng lahat, hindi mo maiwasang isipin pa rin siya at alalahanin ang mga bagay at petsa na namagitan sa inyong dalawa. At aminin mo, kahit na nasasaktan ka na ng sobra-sobra, umaasa ka pa rin na mamahalin ka niya diba?

Nagmamahal,
Ariane

Friday 24 October 2008

Bob Ong Kowts

  • "literate". Kaya mong magbasa ng mga kasinugalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa foreign movies, at mga vandalism sa upuan ng bus gaya ng "Bobo ang bumasa nito!"
  • May sarili din akong barko. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
  • Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan, pero hindi naman lahat 'yon e importante at kailangan mong matutunan.
  • Ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na nakikita sa mga pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw , ibon, puno at mga bulaklak.
  • Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.
  • At hindi man nila ako direktang natulungan sa problema, nagkaroon ng maliit na kwarto sa utak ko na para lang sa mga positibong pananaw sa mundo. Tingin ko lahat ng tao dapat meron no'n.
  • Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa 'yo - Ang sarili mo. Tama sila.
  • Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.
  • Tanging ang utak lang ng tao - sa buong kalawakan - ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.
  • Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring siya'y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigitan sa pagkatao.
  • Tama, wala ni isa man sa atin ang may kakayahang umakyat d'yan, Pero kung magtutulong-tulong tayo, lahat ay kaya nating lampasan.
  • Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa 'yo sa bisyo.
  • Walang mangyayari sa buhay mo hangga't hindi ka tumitigil sa paninisi sa iba sa naging kapalaran mo!
  • Marami palang libreng lecture sa mundo... Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisiyon mo kung kanino ka magpapaturo.
  • Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.
  • Mas marami pa s'yang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records n'ya, mas marami pa s'yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n'ya at mas mataas ang halaga n'ya kesa sa nakasulat sa payslip n'ya tuwing sweldo.
  • Paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng kasamaan?
  • Hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama omali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
  • Karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
Lahat ng mga salitang yan may dating sa'yo. Sabi kasi ng isip mo.