Showing posts with label Friendship. Show all posts
Showing posts with label Friendship. Show all posts

Tuesday, 24 January 2012

Bad Influence?

Natuto kang umuwi ng late. Kung dati maaga kang umuuwi, ngayon umaga na.

Natuto kang uminom. Kung dati takot na takot kang dumaan sa may kanto kapag may nag-iinuman, ngayon nakikitagay ka pa sa kanila.

Natuto kang magyosi. Kung dati di ka na makahinga sa pagtakip ng ilong mo kapag may naninigarilyo, ngayon ikaw na mismo bumubuga ng usok sa katabi mo. Ginagawa mo pang bilog para astig.

Bad influence ba mga kaibigan mo?

Meron ka bang kaibigan na itatali yung paa mo para di ka makalakad pauwi ng bahay? Kaibigan na sapilitang ibubuka ang bibig mo pagkatapos ay isasalaksak yung bote ng alak? Kung meron, balikan mo ulit yung tanong. Ang sabi, kaibigan. Anong klaseng "kaibigan" ang hahayaang mapasama ang "kaibigan" nya?

At kung meron ka mang "kaibigan" na pwersahang ilalagay yung yosi sa bibig mo, desisyon mo kung hihithitin mo ang usok galing sa filter. Wag mong idahilan na mauubusan ka ng oxygen kung di mo gagawin. Alam mo ba na nung sanggol ka, sa ilong mo lang kayang huminga?

May karapatan kang humindi. May pagkakataon kang umayaw. May kakayanan kang tumalikod at tumakbo. Pero ginawa mo ba? Mas pinili mo ang sumunod. Dahil ginusto mo. Dahil trip mo. Dahil naniwala ka na lahat ng kaya mong gawin ay dapat mo na ring gawin.

Wag kang magmalinis. Wag kang magmagaling. Kung tutuusin, ikaw ang pumili ng gusto mong samahan at gawing kaibigan. Pinilit ka ba nila? At kung sakali mang ayain ka nilang kumain ng tae dahil yun ang libangan nila, kakain ka rin?

Nasa iyo ang desisyon kung makikinig ka. Diba ayaw mong napagsasabihan ng mga magulang mo? Kung sila na kabutihan mo lang naman ang iniisip nagagawa mong suwayin, bakit ang mga kaibigan mong walang bait sa sarili, sinusunod mo? Tapos sa bandang huli isisisi mo rin naman sa kanila ang mga kapalpakan sa pariwara mong buhay.

Ngayon, tatanungin ulit kita. Bad influence ba mga kaibigan mo?

Kung oo pa rin ang sagot mo, nakakaawa ka. Kasi di mo matanggap na ikaw mismo ang nagpakalulo sa sarili mo. Na ikaw mismo ang sumisira sa sarili mong kinabukasan. Kaya kailangan mong isisi sa ibang tao ang mga nangyayari sa iyo para linisin ang konsensya mo.

Hangga't hindi mo inaako ang responsibilidad mo sa iyong sarili, hinding-hindi mo maitatama ang buhay mo.

Wednesday, 9 November 2011

Bigla Nalang Nawala?

MONDAY 08-11-11

Miss Shy: I just want to share you something. But, secret lang please? Kami na, kaso alanganin ako sa kanya. Love ko na sya pero baka panakip-butas lang ako sa ex nya.

A:  Confront him, not on text but personal. Pag nagkita kayo. It's hard at first pero pag nasimulan mo ng sabihin sa kanya yung thoughts mo, yun na simula nun.

M: Nawalan na kami ng communication. 3 days na. :(

A: Itext mo. Twagan mo. Okay lang magpakatanga ng 1 week. Pag walang response, humanap ka na ng iba. Simple lang ang buhay friend, tao lang gumagawang complicated.

M: Yun nga e. Ayoko na maghabol no. Tinext ko sya isang beses tama na yun.

A: It's up to you. But you know, sometimes, a guy will never love you back if ikaw mismo sa sarili mo, me doubt sa feelings nya.

M: Normal lang naman siguro na mag-isip ng ganito. hehe. Di naman nya alam na me doubt ako sa kanya. Baka ayaw na nya talaga? Di lang nya masabi.

A: Anong tingin mo sa mga lalake, manhid? Sa ginawa mo pa nga lang na isang text lang, tapos na, para mo na ring sinabi sakanyang di sya kawalan and you don't care kung di na sya magtext o magparamdam. Wag kang magpapahabol kung di mo kayang panindigan. Kasi pag di ka hinabol, ikaw din mismo masasaktan.

M: Ayoko na kasi maghabol e. I'm so tired chasing guys like what I did with my past boyfriends. Ayoko na maulit ngayon. Ako padin ba me pagkukulang kung tigilan ko na syang kontakin? Huling text ko sa kanya, "Me prob ba?" pero di nagreply.

A: In love, it doesn't matter kung sino nagkulang, o kung sino gumawa ng paraan para maging okay kayo. What matter is you do your best. Mapunta man sa wala yung relationship. Atleast di ka talo. Kasi nagmahal ka at naging totoo ka sa feelings mo. Yun lang un.

It doesn't matter what happened on your past. You may lost them but atleast natuto ka. Di na tayo bata friend. Di na tayo bumabata. We should learn by now what a relationship really means. Di lang yan puro hugs and kisses like hayskul. Di lang lahat sinasabi sa text. Merong totoong buhay maliban sa cellphone. You should tell him personally how you feel about him. Show it. Whatever he says, believe him without second thoughts. Kasi kung maghihinala ka, sino bang mahihirapan?

It's not that bad to be stupid when it comes to love. Just do what makes you happy. Don't think about what others may say. If it's not worth it, then it's not. Madaming next times. But it would not be exactly like before, pwedeng mas masaya o mas malungkot. You wouldn't know what will happen tomorrow so do now what you ought to.

M: Di ko na talaga alam gagawin. Parang gusto kong kontakin uli pero naguguluhan ako.

A: Kontakin mo na. 1 week. Ano ba naman yung 10 miss calls a day, 10 texts kung unli ka naman? Wag mong itanong kung me problema ba. Text mo ng good morning, good night, kain na, I love you. Ask him to go out. On 7th day pag di nagparamdam, sahihin mo, Last na to. Bye. Haha

That's what I always do when a boyfriend doesn't text or call me. And believe me, fifteen days akong naghahabol, nagpapakatanga. Tapos pag sinabi ko ng goodbye. Sinasabi ko di ako galit, nasaktan lang. Martyr? Maybe. But those three ex boyfriends who did that to me, nakipagbalikan months or years after. Remember? Pero di ko na binalikan. That's why I don't let go immediately. Because if I do, it's over forever. But, they're still my friends.

M: You amused me talaga. Gusto kong gawin kaso parang nahihiya naman ako.

A: Wala namang mangyayari kung mahihiya ka. Kung mas mahalaga ang pride kesa pagpapakumbaba, wala kang karapatang masaktan pa.

M: You really inspire me. Thanks. Sige gagawin ko yan bukas. Promise!

A: Kapag di mo ginawa bukas, don't talk to me again! I kid. But always remember, you're not doing it for me or him or anybody else. You're doing this for your own, to satisfy yourself. Atleast di man magwork, masasabi mong ginawa mo naman lahat. No regrets. In the end, it's his lost, not yours. :)

Sunday, 16 November 2008

Kaibigan o Ka-ibigan?

Meron ka bang kaibigan? Kaibigan na masaya ka kapag nandiyan. Madalas mong katext, kachat, kausap, karamay at kasama. Halos di kayo mapaghiwalay. Tipong parang kayo na pero hindi naman. Maski nga iba niyong kaibigan wala nang ibang masabi kundi bagay kayo.

Gayunpaman, di mo naman hinahangad na maging kayo. Pero sa tuwing mag-isa ka, di mo mapigilang isipin siya at mangarap kung paano mabuhay ng kasama siya, na pagmamay-ari mo na siya.  Ayaw mo namang magtapat kasi baka layuan ka niya. At kahit na alam mong masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo yang kahibangan mo, di mo naman mapigilan yung sarili mo na mahalin pa siya lalo, ng bonggang bongga.

At isang araw naisip mo nalang na baka mahal ka din niya. Kasi simula nang maging magkaibigan kayo, wala pa siyang nagiging kasintahan, wala ka rin naman siyang nababanggit na ibang taong mahal niya. Ang alam mo lang, parehas kayo ng mga hilig at ayaw niyang nakikita kang malungkot at umiiyak. Di mo namalayang pinaniwala mo na pala ang sarili mo na pareho kayo ng nararamdaman para sa isa't isa.

Ngunit isang araw, bigla na lang nalaman mo, iba pala nagpapatibok ng puso niya. At unti-unti, naramdaman mong hindi na siya tulad ng dati.

Ang sakit diba? Gusto mo siyang kausapin, itanong kung bakit niya ginawa yun sa’yo at piliting ikaw na lang ang mahalin niya. Hindi pa ba siya kuntento sa pagmamahal na binibigay mo? Matapos ng lahat, mauuwi rin lang pala sa wala. Gusto mo siyang sumbatan sa lahat ng ito pero wala kang ibang magawa kundi itago sa kaniya yung nararamdaman mo at umiyak mag-isa dahil nagmahal ka ng taong kaibigan lang ang tingin sa'yo.

Bakit? Sino nga ba kasing may sabi sa’yong umasa ka? Di naman niya hiniling na mahalin mo siya diba? Pero ginusto mo. Ipinakita nga ba niya sa’yong mahalaga ka sa kaniya o binigyan mo lang ng malisya ang pagiging mabait at malapit niya sa’yo? O sabihin man nating mahalaga ka sa kaniya, pero teka, nakalimutan mo atang iba ang ibig sabihin ng mahalaga sa mahal.

Sa kabila ng lahat, hindi mo maiwasang isipin pa rin siya at alalahanin ang mga bagay at petsa na namagitan sa inyong dalawa. At aminin mo, kahit na nasasaktan ka na ng sobra-sobra, umaasa ka pa rin na mamahalin ka niya diba?

Nagmamahal,
Ariane